BOTO BA KA’MO?

Image

 

Sa aking pagmumuni muni

ako’y napatanong sa sarili,

kung ako ay boboto,

sino sino nga ba mga karapatdapat?

ngunit bago pumili, naiisip ko ulit,

bakit nga ba boboto? at ano ang batayan sa pagboto?

sa mga nagdaan panahon di na nga ba natuto?

kung tutuusin ang mga pulitiko na nanghahangad na makaupo sa pwesto,

tutoo nga ba sa puso nila ang hangarin ang magsilbi sa bayan?

sa dami ng mga pangyayari at sa hindi maramdamang pag-asenso ng Pilipinas,

napapakamot ako ng ulo.

Boto ba eka mo?

hindi ba ang dahilan ng pag-boto ay para ihalal ang mga taong uubos lang sa kaban ng bayan na dapat sana ang nakikinabang ay ang tunay na mahirap?

Kung ganun, bigyan nyo kami ng kandidato na papayag na magsulong sa batas na maglilimita sa pork barrel na hindi hihigit sa 10% ng kasalukuyang tinatanggap nila.

Kung magkaganun Isa sya sa aking Iboboto.

O di naman kaya  ay isang Politiko na hindi nya pinagmamalaki ang kanyang mga ginawa dahil ito kanyang tungkulin. bagkus, isang tunay na lingkod ng bayan na mapagkumbaba at  pipiliting higitan ang mga nagawa para sa bayan.

O di kaya ay isang tao na may ugaling mabuti. Na uunahin pagsilbihan ang mga nangangailangan at hindi ang sariling pangangailangan. 

Isang tao na tatanawin na utang na loob sa bayan ang kayang pagkapanalo at hindi ang kabaliktaran. Na sa pagtanaw nya ng utang na loob, pipiliting tumulong ng walang hihinging kapalit.

 

Bagamat importante ang edukasyon,  hindi naman ito ang batayan  an magiging isa syang tapat na lingkod ng bayan. Subalit makita lang ang sinseridad na nais nya na may magbago, at mag-umpisang tahakin ang ladas tungo sa kaginhawaan, kapayapaan, at pag- asenso.

 

Mga simpleng katangian na wala ni isa man sa mga kumakandidato.

kaya Boto ba eka mo?

 

 

Advertisements

6 thoughts on “BOTO BA KA’MO?

  1. Parang mahirap na din po makakita ng ganyan ngayon e. Yung iba kasi sakanila tumatakbo hindi para sa bayan kundi para sa pansariling interes. Hmmm. Anyway, kamusta po Ate? 🙂

    • Hi Rhence!! Mishu!! ok naman kahit mainit at inuubo..
      Tama ka dyan, mahirap nga humanap ng tunay na magsisilbi sa bayan kaya minsan iniisip ko ano nga ba ang silbi ng pagboto?

      • Amishutoo Ate! Hahah. Ano na po pinagkakaabalahan mo? Hmmm. So parang wala ka atang balak bumoto ngayon a. Hehe. Though hindi naman natin sure kung may papatunguhan nga ba, malay po naten diba. Mahalaga pa rin ang isang boto it could make a difference kesa mapunta sa sobrang samang kandidato. haha. dun nalang sa less? ahahhahaha. 😀

        • Tama ka ulit Rhence.. napakatalino mong bata.. Pero sa aming medyo may edad ang tanong eh, if choosing between lesser evil, then is it better to not choose at all? and what makes you think that ung sobrang samang kandidato eh hindi gagawa ng hakbang para makuha ang ninanais?
          Iniisip ko nga hindi ba pwede gumawa ng 15M votes to abolish Pork Barrel (the source of all evil desires)?
          Kasi sigurado naman walang kandidato ang gustong alisin yan pork barrel na yan in fact it is the primary reason why they run. Sigurado sa 15M votes marami boboto dyan!

          • Hahah pwede po! Hindi na tatakbo yung mga mukang pera lang. Haha! Kaso tanong ko po, if wala po pala nun san po sila kukuha ng pondo? Fund raising?

Just say what you think! :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: